Halos hindi ko maisulat ang mga katagang
ayaw kong marinig ngunit pareho nating alam.
Bawat alaala mo'y patungo sa salitang Paalam.
Ano na nga ba tayo? Mayroon pa nga bang tayo?
Ayaw kong harapin ang bukas na wala ka.
Ni hindi ko maatim na inihain mo
Ang magwawakas sa pag-ibig nating ito.
May nahanap ka na bang iba?
Pinilit lamang natin ang pagmamahalang
Binuo ulit mula sa pangalawang pagkakataon
Lahat ng aking naiisip ay nauuwi na lamang
Sa libu-libong di masagot na mga tanong.
Ngayon ko masasabi na walang tagal ang relasyon
na nabuo na lang ulit kahit malabo ang destinasyon
Talikuran mo na lang ako siguro,
Upang di na ako maghabol sayo.
Magiging matapang na lang para sa sarili
Wala na lang ibang magiging saksi.
Marahil ito na ang aking huling paalam.
Ipaparamdam na lang kahit hindi mo na malaman.

Comments
Post a Comment