Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2019

So long, goodnight

So long, goodnight I'll die tonight. No one understood I did all i could Sleep tight honey I'll set you free A thank you, next Though'm not an ex I only meant good I thought that I should Turned out to be expected Our hearts cannot be mended Hear my last silent cry Till I bid my last goodbye I am not worthy They're not me. I felt alone and lonely Sadder than them maybe I cannot take this inconsistency I know you're not there for me. I almost did it too But i wish i would not tell you I will continue it again So that this life will end.

Hintay

Sinabi sa sarili na ito na ang huling pagkakataon Pinangako na sa huling beses na ibabasura ka ay ibabaon mo na sa limot Ang pait, sakit at mismong ang pagmamahal mo para sa kanya Ngunit hindi ka pa rin nakinig. Pilit mo pa ring binubuo ang iyong puso na pilit naman nyang sinisira sa harap mo. Iniisip na nagkataon lamang yon Maniniwala ka na ba sakin ngayon? Sabi mo wag mo na siyang hihintayin Pero ina-abangan mo pa rin ang kanyang pagsambit sa mga matatamis na salitang gusto mo lamang marinig. At pagkatapos ay di mo na maaalalang may halaga ka. Mas madalas mong malimutan ang masakit na ginawa sayo Ngunit matagal bago mo kalimutan na pwedeng hindi na maging kayo Kaya mo pa bang ipaglaban ang lahat para sa kanya; O susuko na lang at wag nang maghintay pa?

Huling Paalam

Halos hindi ko maisulat ang mga katagang ayaw kong marinig ngunit pareho nating alam. Bawat alaala mo'y patungo sa salitang Paalam. Ano na nga ba tayo? Mayroon pa nga bang tayo? Ayaw kong harapin ang bukas na wala ka. Ni hindi ko maatim na inihain mo Ang magwawakas sa pag-ibig nating ito. May nahanap ka na bang iba? Pinilit lamang natin ang pagmamahalang Binuo ulit mula sa pangalawang pagkakataon Lahat ng aking naiisip ay nauuwi na lamang Sa libu-libong di masagot na mga tanong. Ngayon ko masasabi na walang tagal ang relasyon na nabuo na lang ulit kahit malabo ang destinasyon Talikuran mo na lang ako siguro, Upang di na ako maghabol sayo. Magiging matapang na lang para sa sarili Wala na lang ibang magiging saksi. Marahil ito na ang aking huling paalam. Ipaparamdam na lang kahit hindi mo na malaman.