Sinabi sa sarili na ito na ang huling pagkakataon Pinangako na sa huling beses na ibabasura ka ay ibabaon mo na sa limot Ang pait, sakit at mismong ang pagmamahal mo para sa kanya Ngunit hindi ka pa rin nakinig. Pilit mo pa ring binubuo ang iyong puso na pilit naman nyang sinisira sa harap mo. Iniisip na nagkataon lamang yon Maniniwala ka na ba sakin ngayon? Sabi mo wag mo na siyang hihintayin Pero ina-abangan mo pa rin ang kanyang pagsambit sa mga matatamis na salitang gusto mo lamang marinig. At pagkatapos ay di mo na maaalalang may halaga ka. Mas madalas mong malimutan ang masakit na ginawa sayo Ngunit matagal bago mo kalimutan na pwedeng hindi na maging kayo Kaya mo pa bang ipaglaban ang lahat para sa kanya; O susuko na lang at wag nang maghintay pa?
Comments
Post a Comment